Home Social Media PNP chief Danao sa mga balak mag rally: “Kahit siguro kandidato niyo, mangugulo parin kayo eh”

PNP chief Danao sa mga balak mag rally: “Kahit siguro kandidato niyo, mangugulo parin kayo eh”

0

Hinimok ni PNP Police Officer in Charge chief PLt. Gen. Vicente Danao Jr. ang mga kabataan na balak mag-rally sa Hunyo 2022 na mamalagi nalang sa kanilang bahay imbis na manggulo sa inagurasyon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang pahayag, sinabi na ng PNP na hindi sila papayag na magkagulo sa inagurasyon ni Marcos na gaganapin sa National Museum of the Philippines.

Papayagan naman na magtipon ang mga magra-rally sa Plaza Miranda, Plaza Dilao, Plaza Moriones at Liwasang Bonifacio.

Ngunit payo ni Danao, mas maganda na manood na lamang ng TV ang mga kabataan imbis na sumama sa mga rally.

“Mayroon naman tayong tinatawag na freedom of expression, but nonetheless, let us be prudent enough to reflect, itong mga kabataan natin kasi ay naging biktima lang din.” ani Danao.

“Ako ang pakiusap ko, manood na lang po kayo ng TV, ang init. You do not waste your time there. Nagsasayang lang tayo ng oras.” dagdag niya pa.

Naniniwala rin si Danao na kahit sino pa ang maging presidente ay patuloy parin na magra-rally ang iba’t ibang grupo.

“Let us give the mandate or rule of majority, of those who were elected to prove themselves. Pagbigyan po natin. Paano natin maaayos ang gobyerno eh hindi panga nakakaupo, nag-uumpisa
na tayo?” sabi pa ng PNP chief.

“Eh kahit sino namang uupo, kahit siguro kandidato niyo, manggugulo pa rin kayo eh. And it has been proven.” dagdag niya pa.

Wala pang tugon ang mga makakaliwanag grupo sa pahayag laban sa kanila ni Danao.

Facebook Comments