Home Celebrities Harry Roque, handang mag-volunteer sa DepEd para tulungan si Sara Duterte: “Maski walang sweldo,”

Harry Roque, handang mag-volunteer sa DepEd para tulungan si Sara Duterte: “Maski walang sweldo,”

0

Handang magsilbi si dating presidential spokesperson Harry Roque bilang volunteer sa Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni vice president-elect Sara Duterte.

Sa kanyang pahayag, inalok ni Roque ang kanyang serbisyo at kakayahan para pagsilbihan ang DepEd kahit na hindi siya makatanggap ng kahit ano.

Ayon sa kanya ay ang tanging interes niya lamang ay mapaganda ang antas ng edukasyon sa bansa para sa kanyang mga anak at apo.

“Maski walang sweldo, maski hindi ako kikilalanin dahil ako naman po ay nagkaroon ng dalawang anak at magkakaroon ng apo, interest ko rin po na ma-improve talaga ang educational system natin,” sabi ni Roque.

“Kaya ako po ay mag vo-volunteer na maging very active sa department of education in whatever capacity I might be able to help,” dagdag niya pa.

Saklaw si Roque ng 1-year appointment ban para sa mga natalo sa kampanya kaya’t walang problema sa kanya kung hindi siya bigyan ng kahit anong posisyon ni Duterte.

“Hindi po ako hihingi ng sweldo. Hindi po ako hihingi ng titulo dahil may appointment ban. Ang gusto ko lang ay makatulong dahil nandiyan naman po ang sinuportahan ko na vice president,” sabi ng dating law professor sa University of the Philippines (UP).

Kilalang malapit si Roque kay Duterte at handa nitong suportahan ang susunod na bise presidente.

Facebook Comments