HomeCelebritiesCesar Montano at Diego Loyzaga, gaganap bilang mag-amang Marcos sa pelikula ni...

Cesar Montano at Diego Loyzaga, gaganap bilang mag-amang Marcos sa pelikula ni Darryl Yap

Ibinunyag ni direktor Darryl Yap ang mga karagdagang aktor na magiging parte ng kanyang susunod na proyekto na “Maid in Malacanang”.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Yap na kuha sa meeting ng kanyang proyekto kung saan makikita sa background sila Cesar Montano na gaganap bilang si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. at Diego Loyzaga bilang si president-elect Bongbong Marcos Jr.

“Sa totoong buhay.  #MAIDinMALACAÑANG #MiM,” ani Yap sa kanyang post.

screencap 2022 06 09 at 7.14.31 PM

Matatandaan na si Ruffa Gutierrez ang napili ni Yap bilang gaganap na dating unang ginang Imelda Marcos.

Sa ngayon ay inaabangan na ng mga netizens kung sino ang gaganap bilang Imee at Irene Marcos.

May ilan na ang request ay sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga ang gumanap sa magkapatid.

Ang nasabing pelikula ay tungkol sa nangyari sa mga Marcos sa loob ng Malacañang 72 oras bago maganap ang EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa kanila.

Hindi daw ito maituturing na historical revisionism at gusto lamang daw nila na ibahagi ang istorya mula sa mga Marcos.

Kinumpirma na ng VIVA films ang nasabing proyekto kaya naman inaasahan na tuloy tuloy na ang nasabing proyekto.

Wala pang pahayag si Montano at Loyzaga na mag-ama rin sa totoong buhay tungkol sa kanilang susunod na proyekto.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular