Home Social Media Antonio Trillanes IV sa grado niya sa 6 na taon ni Duterte: “Galante na ko kung bigyan ko siya ng one”

Antonio Trillanes IV sa grado niya sa 6 na taon ni Duterte: “Galante na ko kung bigyan ko siya ng one”

0

Binatikos muli ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang kasalukuyang administrasyon dahil sa pagtaas ng gasolina at sa tumataas na presyo ng mga bilihin.

Ayon sa kanya ay kung siya ang magbibigay ng grado sa anim na taon na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Pilipinas ay bibigyan lamang ito ng pinakamababang grado.

“Yung presyo ng gasolina nung nag-assume, magkano P30 plus. Ngayon P70 plus. Magkano yung
presyo ng bigas nung nag-assume siya nasa P23, P24. Ngayon nasa P38, P39…….tapos yung inutang nung administrasyon niya mas marami pa kaysa doon sa inutang nung lahat nung Presidente bago siya.” sabi ni Trillanes na kasalukuyang nagtuturo ng Public Policy, Bureaucracy and Public Governance sa Ateneo de Manila University.

“Ano grado niya? Napaka-galante ko na kung bigyan ko siya ng one,” dagdag niya pa.

Ilang netizen naman ang humihingi ng paglilinaw kay Trillanes dahil ang ‘1’ ay maituturing na pinakamataas na grado na ibinibigay sa kolehiyo.

Hindi pa nagbibigay ng tugon ang Pangulo kay Trillanes na isa sa mga pinakamatindi niyang kritiko.

Ngunit ilan sa mga kaalyado ni Duterte kasama na si dating presidential Anti-Corruption Commission chairman Greco Belgica ang hinimok si Trillanes na huwag magpakalat ng maling impormasyon.

“Buong mundo ganyan Sen.Sonny. INFLATION ang tawag dyan. Wala pang PANDENMYA at GERA sa Russia at Ukrain noong 2016 ngayon meron. Kaya tumaas ang bilihin dahil doon. Hindi dahil kay PRRD.” sabi ni Belgica.

Si Trillanes ay tumakbo nitong nakaraang halalan upang makabalik sa pagkasenador ngunit bigo itong makapasok sa magic 12 dahil sa pang 21 lamang ito.

Facebook Comments