Home Social Media Alan Peter Cayetano sa P20 kada kilong bigas na pangako ni BBM: “Anong klaseng pangako ‘yon?”

Alan Peter Cayetano sa P20 kada kilong bigas na pangako ni BBM: “Anong klaseng pangako ‘yon?”

0

Tila napapaisip si incoming senator Alan Peter Cayetano kung posible nga bang matupad ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangako nito na P20 kada kilo ng bigas.

Matatandaan na isa sa mga pangako ni Marcos Jr. noon ang pababain ang presyo ng bigas na ngayon ay nasa 36 hanggang 41 pesos ngayon.

Nilinaw naman niya na positibo parin naman ang kanyang pagtingin sa pangako ni Marcos at umaasa na matutupad ito.

“First time ko narinig, P20 ang rice. Just like any politician nasabi ko, posible ba yun? Anong klaseng pangako yun? But if I am a true Christian , public servant and I really believe in science then hindi pwedeng ganun pag-iisip ko,” ani Cayetano.

“Dapat ang pag-iisip ko maganda ‘yung conculusion. How do we get there? If we don’t get to P20 but we get to P30, hindi ba mas maganda yun kaysa sa P40, P45, at P50,” sabi niya pa.

Samantala ay sinabi ni incoming Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III na hindi pa posible na pababain ang P20 ang kada kilo ng bigas.

“Siguro P27, P28 pwede pa ‘yan. Pero ‘yung P20 [kada kilo] eh talagang pag-aaralan ko nang husto ‘yan. Pag-aaralan namin nang husto. Talagang magsusunog kami ng kilay para magawa natin,” sabi ni Estrella.

Ilan pa sa pagsubok na maari nilang kaharapin para pababain ang presyo ng bigas ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at abono.

Naniniwala naman si Estrella na seryoso ang susunod na pangulo sa kanyang pangako na bigyan ng murang bigas ang mga Pilipino

 

Facebook Comments