HomeSocial MediaSuspek na humalay at tinapos ang buhay ng isang cum laude graduate...

Suspek na humalay at tinapos ang buhay ng isang cum laude graduate sa Albay, nahuli na

Nahuli na ang suspek na humalay at tumapos sa buhay ng isang Accountacy Student na magtatapos sana ng cum laude sa Barangay Bacacay, Albay.

Matatandaan na nakita na wala ng buhay ang biktima na si Rhea Boneo, 22-anyos nitong Lunes sa isang masukal na bahagi ng nasabing barangay nitong Hunyo 6.

Nakitaan naman ng senyales na hinalay ito dahil sa nakataas pa ang damit nito at punit-punit din ang soot nito sa pang ibaba ng siya ay makita.

286540069 567169951435302 3818654315583737970 n

Huling nakitang buhay si Rhea ng siya ay kukuha ng pera na halagang P500 sa isang remittance center sa bayan na padala sana ng kanyang kapatid.

Hindi naman maitago ng pamilya ng biktima ang pagdadalamhati lalo na’t malapit na sanang magtapos ang kanilang anak na maaring maging maganda ang kinabukasan dahil nga magtatapos ito bilang cum laude.

Sa ilang larawan naman sa social media ay makikita na matapos ang ilang araw na pagtatago ay nakita na ng mga otoridad ang suspek na nakilalang si Ariel Marbella.

284451000 7472947412777422 4019296486878836302 n
Larawan mula kay Ed Ruiz Bordeos

Matatandaan na mayroon ng patong na 50,000 pesos sa ulo ang nasabing suspek.

Sa ngayon ay nakatakdang iharap sa media ang suspek.

Inaalam pa ngayon kung lulong ba sa ipinagbabawal na gamot si Marbella.

Haharap sa patong patong na kaso ang suspek kung hindi ito manlalaban sa mga otoridad sa mga susunod na araw.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular