HomeCelebritiesKilalang political analyst ipinaliwanag na walang bisa ang persona non grata kay...

Kilalang political analyst ipinaliwanag na walang bisa ang persona non grata kay Ai-Ai at Direk Darryl: “It only makes sense in international relations”

Naniniwala ang isang kilalang political analyst na walang silbi ang pagdedeklara ng persona-non-grata ng Quezon City sa Direktor na si Darryl Yap at aktres na si Ai-Ai delas Alas.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Prof. Antonio Contreras na may bisa lamang ang persona non grata para sa mga indibidwal na kinakailangan ng visa para makapasok sa isang lugar katulad ng mga banyaga.

“Declaring someone persona non grata matters only when you need a visa to enter an area. Hence, it only makes sense in international relations, particularly on diplomats who otherwise enjoy immunity or foreign citizens whose visa can be revoked or visa application can be denied?” ani Contreras.

“Kelan kailangan magkaroon ng visa para pumuntang Quezon City? In short, kaartehan. Besides, declaring someone persona non grata is made by local government units through resolutions by their councils, and hence are not legally binding for enforcement because they are not ordinances.” dagdag niya pa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Ayon sa kanya ay ang tanging makakapagbawal lamang sa isang indibidwal na makapunta sa isang lugar ay kung sila ay inutusan ng korte dahil sa pananakit sa kanilang asawa o kapag mayroong “public health emergencies”.

Para daw binigyan pa ng exposure ng Quezon City Government si Yap at delas Alas dahil sa kanilang ginawa.

“Mas lalo niyo lang pinasikat si AiAi (who is reportedly a QC resident and hence cannot be legally barred from entering her residence) at Darryl Yap. Ayan, binigyan niyo pa ng material si Yap to produce another satire on the issue.” sabi ni Contreras.

ai ai 2
Screencap ng post ni Prof. Antonio Contreras

Ipinasa ni Councilor Ivy Lagman ng District IV ng nasabing siyudad ang resolusyon kung saan ay sinabi nito na hindi daw nagpakita ng respeto si Yap at delas Alas sa simbolo ng Quezon City.

“I am calling all the content creators, especially Mr. Darryl Yap and Ms. Ai-Ai delas Alas, and many others who were part of this project, to apologize to the citizens of Quezon City for debasing the beloved seal of Quezon City,” ani Lagman sa nasabing resolusyon.

Tumanggi naman si Yap na humingi ng sorry sa kanyang nagawa at tinawag na walang basehan ang resolusyon.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular