HomeCelebritiesBlogger vs Journalist. Foreigner na nanirahan sa Pilipinas ng, ipinagtanggol ang Mindanao...

Blogger vs Journalist. Foreigner na nanirahan sa Pilipinas ng, ipinagtanggol ang Mindanao kay Raissa Robles

Hindi nakapagtimpi ang Canadian blogger na si Kyle Jennermann o mas kilala bilang “Kulas” o “BecomingFilipino” matapos niyang mabasa ang tweet ng mamamahayag na si Raissa Robles tungkol sa Mindanao.

Matatandaan na noong Hunyo 2 ay sinabi ni Robles na matutuwa ang Abu Sayaff kapag dumami ang turista sa Mindanao matapos sabihin ni incoming tourism secretary Christina Frasco na gusto nilang i-promote ang katimugang bahagi ng Pilipinas.

raissa robles sarcastic tweet e1654384185714
Screencap ng tweet ni Raissa Robles (@raissawriter)

Sa kanyang Facebook post, ipinagtanggol ni Kulas ang Mindanao na kanyang itinuring na tirahan simula ng mapadpad siya sa Pilipinas noong 2013.

“Well, I have lived here as a foreign national since 2013. It is my home. But not only that, it is a home that I have extensively gotten to know. One of have driven tens of thousands of kilometers on a scooter around. One I have immersed in. I am literally in the middle of doing that right now as I type this! I drove from my home in Davao Oriental, across Maguindanao to Cotabato City, through the south of Lanao Del Sur to Pagadian, and continued on to Ipil Zamboanga Sibugay. I did it alone. Vulnerable to what was around me. Like I have many times in the past.” wika ni Kulas.

“What am I experiencing right now? The same things I have experienced over the past nine years… Beauty. Kindness. Hospitality. Adventure. Love. Openness. And especially… PEOPLE WATCHING OUT FOR ME. LOCAL PEOPLE… FROM MINDANAO.” dagdag niya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyle Jennermann (@becomingfilipino)

Tinawag na “unfair” ni Kulas ang sinabi ng mamamahayag tungkol sa Mindanao at tila lalo lang nitong pinapasama ang tingin ng mga turista sa nasabing isla.

“Now. Like you, I find these statements to be absolutely unproductive, negative, and simply unfair. Why? Because I know first hand how negatively generalizing and stereotyping can pull us all back from progressing towards peace.” sabi pa ng blogger.

Sa ngayon ay umabot na sa 7,100 shares at 23,000 reactions ang post ni Kulas.

Matatandaan na nasa proseso na si Kulas para maging Filipino citizen dahil sa kanyang pagmamahal sa Pilipinas.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular