Home Celebrities Ai-Ai delas Alas, pwede diumanong kasuhan ang Quezon City council dahil sa pagdedeklara sa kanya bilang persona non grata

Ai-Ai delas Alas, pwede diumanong kasuhan ang Quezon City council dahil sa pagdedeklara sa kanya bilang persona non grata

0

Naniniwala ang isang political expert na maaring kasuhan ni Ai-Ai delas Alas ang Quezon City council dahil sa pagdedeklara sa komedyante bilang persona non grata.

Matatandaan na idineklarang persona non grata si delas Alas at ang direktor na si Darryl Yap dahil sa kanilang video na inilabas nitong nakaraang kampanya.

Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag ni Prof. Antonio Contreras na isang ‘campaign satire’ ang ginawang video ni Ai-Ai kung saan ay nagpakilala siya bilang si “Ligaya Belmonte”.

Ayon kay Contreras ay maaring magsampa ng kasong unjust vexation o slander ang komedyante kung gugustuhin niya laban sa mga nagdeklara sa kanya bilang persona non grata.

“If it can be shown that Ai-Ai was just acting out a role of a fictitious mayor in a campaign satire promoting the candidacy of a politician, then she may have a case to file against the QC City Council for unjust vexation, or even slander.” ani Contreras.

“Besides, defacing an emblem is a slippery slope since there is a thin line between defacing a symbol and creative alteration. In fact, this is a political satire that can even be defended as protected speech, very much like the image of Presidents, in effigies or tarps, being defaced or burned during political rallies.” dagdag niya pa.

Hindi rin maituturing na magkaparehas ang logo na ginamit nila Ai-Ai at ang simbolo ng Quezon City.

Samantala ay ipapaubaya na ng aktres sa kanyang abogado ang pag-asikaso tungkol sa deklarasyon laban sa kanila.

“The video which circulated during the campaign period is clearly a satire, a parody. It is not intended to be a statement of fact and is clearly not meant to be taken seriously by the audience.” sabi ni Atty. Charo V. Rejuso-Munsayac, legal counsel ni Ai-Ai.

“The video was obviously intended to be watched and taken as a whole, all elements being fictitious, including the seal behind the character portrayed by my client.

“It is unfortunate that the city council is nitpicking to find basis to curb freedom of expression in the guise of defending a perceived dishonor.”

Facebook Comments