Home Celebrities Ai-Ai delas Alas, ipinakita ang kanyang bahay sa Quezon City na may temang Hello Kitty

Ai-Ai delas Alas, ipinakita ang kanyang bahay sa Quezon City na may temang Hello Kitty

0

Naging usap-usapan muli sa social media ang bahay ng komedyante na si Ai-Ai Delas Alas sa Quezon City matapos ang persona non grata issue niya.

Sa mga larawan na ibinahagi ng Pep.ph, makikita ang bahay nito na punong puno ng Hello Kitty merchandise katulad ng ilaw, unan at upuan.

Ayon kay Ai-Ai na dalawang buwan na nag lock-in taping ay supresa ito sa kanya ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan.

“Naluha ako. Habang naka-lock in taping ako sa Owe My Love, ipinapagawa na pala niya ang bahay namin. Yung kinita niya sa online siomai, dun ginamit ni Gerald,” ani Ai-Ai.

“Nag-hire siya ng interior decorator para ma-achieve ang gusto niyang look ng aming bahay. Alam ni Gerald kung saan ako liligaya. Hindi ako maluho sa mga gamit, bag o sapatos. Mahilig lang ako sa maganda, malinis at maayos na bahay.” dagdag niya.

Noon pa lamang daw ay nangongolekta na talaga si Ai-Ai ng mga Hello Kitty merchandise gamit ang kanyang baon sa eskwelahan noon.

Ilang netizens naman ngayon ang napapaisip kung paano makakauwi si Delas Alas sa kanilang bahay sa Quezon City ngayong idineklara siyang persona non grata doon.

Ngunit naniniwala ang ilang eksperto na walang bisa ang persona non grata sa komedyante lalo na kung siya ay residente mismo ng QC.

 

Facebook Comments