Home Celebrities Robin Padilla, iginiit na hindi siya inendorso ni BBM: “Hindi po ako na endorso ng aking personal na Kaibigan.”

Robin Padilla, iginiit na hindi siya inendorso ni BBM: “Hindi po ako na endorso ng aking personal na Kaibigan.”

0

Nilinaw ng incoming senator na si Robin Padilla na hindi siya inendorso ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong kampanya.

Pero ayon sa kanya ay itinuturing niya paring kaibigan si Marcos at naiintindihan niya kung bakit nangyari ito ng kampanya.

Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag niya ang kanyang liham kay Kris Aquino kung saan ay pinasalamatan niya ang aktres at rumored ex-girlfriend dahil sa pagsuporta nito.

Hindi naman naiwasan ng ilang mga loyalista ni Marcos na batikusin si Padilla dahil sa hindi man lang daw niya binanggit si BBM sa kanyang post.

Pero ayon sa kanya ay hindi naman niya kailangan banggitin pa si Marcos dahil hindi naman talaga siya inendorso nito noong kampanya.

“Paano ko po sasabihin na isa sa alas ko na mag endorso sa akin si incoming president Bongbong marcos eh malinaw naman po sa lahat ng ganap nong kampanya na hindi po ako na endorso ng aking personal na Kaibigan.” ani Robin.

“Malinaw naman po na pinayagan niya ako na makasama sa uniteam dahil personal niya akong kaibigan at ang sulat ko po ay para kay kay ms Kris Aquino Malinaw din po ang aking pasasalamat sa marcos loyalist na ako ay kabilang. Hindi po ako Maari mag imbento ng ganap na ako ay inendorso ni PBBM na hindi naman po naganap at ilagay sa liham na para kay ms Kris Aquino.” dagdag niya pa.

Hindi rin naman daw kailangan pa na malaman kung saan siya panig dahil makikita na ilang beses niyang ipinagtanggol si BBM at ang ama nito na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Kung hindi po sapat ang pagiging marcos loyalist ko at pagtindig sa sinoman na mananakit sa marcos maging ito man ay buhay man o namayapa. Pasensya na po kayo hanggang aksyon Lang ako kulang po ako sa drama.” mensahe ng aktor.

Bago niya tapusin ang kanyang post ay nilinaw niya na isa siyang kaibigan at hindi politiko.

“Politics is not real. Politics has no friends only personal interest. I am not a political friend. I will always be a personal friend,” sabi pa ng aktor.

Matatandaan na nagkaroon ng isyu noon dahil sa kalituhan kung makakasama ba talaga si Padilla sa UniTeam o hindi.

Isa sa mga halimbawa ay ang nangyaring rally noon sa Ilocos Norte kung saan ay ipinakilala ni Vice President-elect Sara Duterte si Padilla bilang ika-12 sa kanilang senador.

Ngunit sa parehong rally ay may nilinaw si BBM tungkol sa lugar ni Padilla.

“Kahit di po namin kasama sa lineup ng mga senador ay matagal na po nating kaibigan yan,” ani Marcos.

Facebook Comments