Home Social Media President-elect BBM P632-M ang nagastos sa kampanya, walang galing sa sarili niyang bulsa

President-elect BBM P632-M ang nagastos sa kampanya, walang galing sa sarili niyang bulsa

0

Inilabas na ng kampo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) ng susunod na pangulo ng Pilipinas.

Ayon sa kanyang SOCE na ipinasa na sa Commission on Elections (COMELEC) ay gumastos si Robredo ng mahigit P623,230,176.68 sa gitna ng kampanya mula Pebrero 8 hanggang Mayo 7.

Ang ilang bahagi nito katulad ng P371.7-M ay cash donation mula sa kanyang mga tagasuporta habang ang P251.4-M ay nakalista sa dokyumento na “expenditures incurred using in-kind contributions.”

Nakalistahan naman na “0” o walang ginamit si Marcos na sarili niyang pera para sa kanyang kampanya.

Halos apat na beses ang laki nito sa nagastos ni Marcos noong 2016 election kung saan ay gumastos ito ng 140-M pesos.

Pasok pa naman sa batas ang ginastos ni Marcos dahil sa hanggang P674-M lamang ang maaring gastusin ng mga national candidates o P10 sa kada botante.

Sa ngayon ay wala pa ang listahan ng mga nagbigay ng pinakamalaking donasyon para sa president-elect.

Wala pang pahayag ang kampo ni Marcos tungkol sa inilabas nilang SOCE.

Samantala ay nagpasa narin ng SOCE ang pinakamahigpit na karibal ni Marcos na si Vice President Leni Robredo na tinambakan ni BBM ng halos doble.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin inilalabas ang mga impormasyon ukol dito.

Facebook Comments