Idineklarang ‘persona-non-grata’ ng Quezon City Government ang direktor na si Darryl Yap at aktres na si Ai-Ai delas Alas dahil sa parody video na inilabas nila nitong nakaraang kampanya.
Ang pagdedeklara ng persona-non-grata ay nangangahulugan na hindi na maaring makapasok pa sa nasabing lugar ang isang indibidwal.
Ipinasa ni Councilor Ivy Lagman ng District IV ng nasabing siyudad ang resolusyon kung saan ay sinabi nito na hindi daw nagpakita ng respeto si Yap at delas Alas sa simbolo ng Quezon City.
“I am calling all the content creators, especially Mr. Darryl Yap and Ms. Ai-Ai delas Alas, and many others who were part of this project, to apologize to the citizens of Quezon City for debasing and bastardizing the beloved seal of Quezon City,” ani Lagman sa nasabing resolusyon.
“The malicious and unscrupulous defacing of the official seal of Quezon City ridiculed and [cast] dishonor to it, causing insult to the noble representation of the seal,” dagdag niya pa.
Councilor Ivy Lagman files a resolution to declare actress-comedian Ai-Ai Delas Alas and Content Creator Darryl Yap as "persona non grata" in Quezon City, on Tuesday, during the 94th Regular Session of the 21st City Council. pic.twitter.com/94WXFFQTAB
— Ahmadfaizal L.A (@fiek20) June 7, 2022
Ngunit ayon kay Yap, hindi siya hihingi ng paumanhin sa kanyang nagawang video.
“Ayoko nga,” ani Yap sa kanyang maiksing sagot kung hihingi nga ba siya ng tawad sa mga residente ng Quezon City.
Sinabi rin nito na walang kaakibat na batas ang pagdedeklara sa kanila bilang persona-non-grata.
“Bagamat ang deklarasyong “PERSONA NON GRATA
ay isang Resolusyon at hindi Ordinansa;
walang kaakibat na batas—
hindi po natin ito babale-walain;
bibigyan natin ito ng pansin.
Magandang Gabi po sa inyong lahat.” sabi pa ng direktor.
Nagtataka ngayon ang mga netizens kung paano tatalab ang pagiging persona-non-grata ni Ai-Ai gayong mayroon itong tirahan sa Quezon City at pinaniniwalaang residente siya doon.
Wala pang pahayag hanggang ngayon ang aktres tungkol sa nasabing resolusyon laban sa kanya.