HomeCelebritiesBarangay Captain Angelika dela Cruz, nakatanggap ng apat na bala na may...

Barangay Captain Angelika dela Cruz, nakatanggap ng apat na bala na may kasamang sulat

Hindi maitago ng dating aktres na si Angelika dela Cruz na ngayon ay Barangay Captain na sa Malabon ang kaba matapos silang makatanggap ng sulat na may kalakip na apat na bala.

Sa kanyang Facebook post, tinawag ni dela Cruz na “napakadumi” ng politika sa Pilipinas dahil sa natanggap niyang pagbabanta.

Kinumpirma din nito na mayroon na silang napapansin na mga umaaligid sa kanila na mga hindi kilalang tao.

“Napaka dumi po tlg ng politika sa ating bansa .. yan po ang sulat at bala na pinadala sa XO ng aming Barangay na nagsasabi na may 4 daw na susunod at kaya may umiikot na d kilala sa bahay naming mag kapatid.. grabe naman kayo kung sino man kayo na gumagawa nito sa amin,” sabi ni dela Cruz sa kanyang Facebook post.

D2E9420E 39F6 4A7F 9A3E 733580831B33

Nangyari ang insidente ilang buwan bago gawin ang halalan ng mga opisyal ng barangay at sangguniang kabataan na ilang beses hindi natuloy.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng mensahe kay dela Cruz.

“Keep safe po Kapitana and to your family. Praying for you. God bless! Hindi po mananaig ang kasamaan,” sabi ni Marivic Tawagon.

“Palagay po kayo mam nang checkpoint sa lahat nang entry at exit point sa inyong lugar, saka po pakonsulta po sa pulis para sa masusing imbestigasyon,” ani netizenĀ Melchor Palado.

“Yan Po Yung mga taong naiingit at nagagalit dahil gumagawa Po kayo Ng Tama . At maganda sa kapwa nyo .. keep safe Po ma’am ..wag Po kayo matakot Kasama nyo Po Ang dyos Araw araw ..dipo kayo papabayaan,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung ano ang susunod na hakbang ng kapitana.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular