HomeCelebritiesTom Rodriguez sa mga netizens: "Baka magulat po kayong lahat pag lumabas...

Tom Rodriguez sa mga netizens: “Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat!”

Kahit na mayroong “gag order” ay hindi parin mapigilan ng aktor na si Tom Rodriguez na magbigay ng impormasyon tungkol sa hiwalayan nila ng aktres na si Carla Abellana.

Sinagot ni Tom ang ilang mga komento ng netizens sa social media kasama na ang diumano’y pagloloko niya at ang pananakit niya kay Carla.

“Why did you hurt @carlaangeline?” tanong ng isang netizen.

Ayon kay Tom ay hindi lamang daw si Carla ang nasaktan at mayroon din daw mas malalim na istorya tungkol dito.

“There’s way more to the story… and plenty of hurt going around for everyone. Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat.” sabi ng aktor.

Matatandaan na nitong nakaraang mga araw ay nagsalita si Tom kung bakit hindi siya basta basta maaring makapagsalita tungkol sa isyu nila ng kanyang asawa.

Sinabi na lamang ni Tom sa mga netizens na ang kampo nalang ni Carla ang tanungin kung bakit siya pinapatahimik.

“You all know a tiny fraction of an entire story. But one day the whole TRUTH will prevail!” sabi ng aktor.

tom carla 1

Hanggang ngayon ay wala paring pahayag si Carla tungkol sa nasabing isyu.

Nitong Marso pa lamang ay laman na ng mga pahayagan ang hiwalayan ng dalawa na nitong 2021 lamang ikinasal.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular