Home Social Media Sen-elect JV Ejercito, naglaan ng pabuyang P50,000 sa makakapagturo sa driver na sumagasa sa isang gwardya

Sen-elect JV Ejercito, naglaan ng pabuyang P50,000 sa makakapagturo sa driver na sumagasa sa isang gwardya

0

Hindi maitago ni Senator-elect JV Ejercito ang kanyang pagkagalit sa driver ng puting Toyota RAV4 SUV na binangga ang isang security guard sa intersection ng Doña Julia Vargas Avenue at St. Francis Avenue nitong Linggo, Hunyo 5, 2022.

Kitang kita sa video ang pagbangga ng SUV sa nasabing gwardya na hindi pa pinapangalanan sa ngayon.

Lalo pang nagpagalit sa mga netizen ang hindi pagtigil ng SUV at dali dali pa itong kumaripas palayo sa lugar ng insidente.

Dahil dito ay naglabas ng pabuhay si Ejercito sa mga makakapagturo sa kinaroroonan ng driver ng SUV.

“Putting up a P50k reward for any info regarding this evil and idi*t driver who purposely ran over a traffic enforcer. Really furious watching the video!” ani Ejercito.

Samantala ay naglabas na ng summon ang Land Transportation Office (LTO) sa may-ari ng nasabing sasakyan.

Pinagpapaliwanag ng LTO ang hindi nila pinangalanang driver kung bakit hindi dapat ito mawalan ng lisyensa.

Nagpadala narin ng ‘surrender feelers’ ang may-ari ng nasabing sasakyan.

“Feeler pa lang ito. Tinitingnan nila siguro makakabuti sa magkabilang panig at sinisiguro naman natin dahil natunton naman natin kung sino itong may-ari ng saskayan at kung saan ito nakatira kaya it is likely that the soonest possible time they will appear sa police station.” sabi ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon.

Hinihintay naman ng mga netizens kung ilalabas pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng nasabing driver na tinawag na “heartless” at “evil” ng mga celebrities.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang biktima sa ospital at balak nitong magsampa ng patong patong na reklamo laban sa suspek.

Facebook Comments