Home Celebrities Pangulong Duterte, hinimok ang publiko na suportahan si BBM: “Nagsalita na ang mga tao. May mga lider tayo, wala na ako.”

Pangulong Duterte, hinimok ang publiko na suportahan si BBM: “Nagsalita na ang mga tao. May mga lider tayo, wala na ako.”

0

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na suportahan ang susunod na administrasyon na pamumunuan ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang “Talk to the People” sinabi ni Duterte na kailangan ng tanggapin ng mga tao ang katotohanan na nakapili na ng bagong lider ang Pilipinas.

“I hope that everybody will come to terms with reality. You have with you a new government and I urge kayong mga Pilipino to rally behind and support the leaders. You want the next administration to be successful,” ani Duterte.

“We must all be united in confronting the issues ahead of us. We have no room for politicking or actions that are divisive to the country. Nagsalita na ang mga tao. May mga lider tayo and me, wala na ako. I will say nothing. Ang ayaw ko baka may maiwan pa. Namumulitika pa rin,” dagdag niya pa.

Dapat daw ay ibigay ng publiko ang buo nilang suporta kay Marcos dahil siya ang pinili ng taumbayan.

“We must give it to him. That’s democracy. That’s how we operate. ‘Pag nagsalita na ang taong-bayan kung sino ang leader na gusto nila, dun tayo,” sabi ng pangulo.

Matatandaan na landslide ang naging pagkapanalo ni Marcos kung saan ay nakakuha ito ng 31,629,783 na boto habang si vice president-elect Sara Duterte naman ay nakakuha ng 32,208,417 na boto.

Bago magkampanya ang binatikos pa ni Duterte si Marcos ngunit hindi na niya ito ipinagpatuloy ng umatras ang kanyang pambato sana noon na si Sen. Christopher “Bong” Go.

Facebook Comments