Home Social Media Mga bantay sa subdivision na tinitirhan ng suspek na bumangga sa isang guwardiya, hinarang ang mga pulis

Mga bantay sa subdivision na tinitirhan ng suspek na bumangga sa isang guwardiya, hinarang ang mga pulis

0

Pinag-aaralan na ng mga otoridad ang pagsasampa ng kasong obstruction of justice sa mga bantay ng subdivision na tinitirhan ng may-ari ng SUV na matatandaan na nakita sa CCTV habang dinadaanan nito ang isang guwardiya sa Mandaluyong.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo na naghahanda na ng reklamo ang Mandaluyong Police laban sa subdivision na tinitirhan ng suspek na si Jose Antonio San Vicente sa Diliman, Quezon City.

Ayon kasi kay Fajardo ay kahit na may otoridad sila na pasukin ang nasabing subdivision ay hinarang sila ng mga bantay nito.

“Hindi sila pinapasok ng guwardiya doon dahil walang sumasagot sa tawag nila, kaya hindi na nagpumilit ang ating kapulisan. Subalit when they insisted and the security guards manning the base ng subdivision doon, they still refused to allow our officer na makapasok, kaya nga pinag-aaralan ng PNP kung magsasampa ng obstruction of justice,” ani Fajardo.

Wala pang pahayag ang subdivision na tinitirhan ni San Vicente tungkol sa ginawang pag-protekta ng kanilang mga bantay sa suspek.

Matatandaan na nagpadala na ng surrender feelers ang kampo ni San Vicente ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ito sumisipot at sumusuko sa mga otoridad.

Nahaharap sa patong patong na kaso ang suspek at maaring mapagastos pa ito ng malaki dahil sa nasa Intensive Care Unit na ang biktima dahil sa lala ng kanyang pinsala.

 

Facebook Comments