HomeCelebritiesHanda ng sumuko! Driver ng SUV na bumangga sa isang gwardya, anak...

Handa ng sumuko! Driver ng SUV na bumangga sa isang gwardya, anak pala ng may-ari ng kotse

Inaasahan ng mga otoridad na susuko na sa anumang oras ang driver ng sports utility vehicle (SUV) na bumangga sa isang gwardiya sa Mandaluyong nitong Linggo.

Sa isang panayam sinabi ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon na nakipag-usap na sa kanila ang abogado ng suspek at sinabi na susuko na ito sa anumang oras.

Natunton narin naman kasi ng mga otoridad ang kinaroroonan ng suspek kaya naman kahit na hindi ito sumuko ay mahuhuli parin siya ng batas.

“Feeler pa lang ito. Tinitingnan nila siguro makakabuti sa magkabilang panig at sinisiguro naman natin dahil natunton naman natin kung sino itong may-ari ng saskayan at kung saan ito nakatira kaya it is likely that the soonest possible time they will appear sa police station.” sabi ni De Leon.

Samantala ay sinabi ni Sen. JV Ejercito na nangako na ang pamilya ng suspek na sasagutin nila ang pagpapagamot sa biktima na ngayon ay nasa Intensive Care Unit (ICU) na dahil sa lala ng kanyang pinsala.

Sinabi rin nito na ang anak ng may-ari ng SUV ang driver noong mangyari ang insidete.

“Owner of Toyota RAV-4 driven by his son sent message for me through an emissary that they will shoulder the medical expenses of the guard and that they will face the consequences,” sabi ni Ejercito sa kanyang tweet.

286574008 350194713902363 2923491696385687966 n

Ibinahagi din ni Ejercito ang pagkakakilanlan ng may-ari ng SUV na si Mr. Jose Antonio San Vicente na nakatira sa Diliman, Quezon City.

Hindi naman malaman kung ano ang pangalan ng anak ni Mr. San Vicente.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular