Home Uncategorized Driver ng SUV na bumangga sa isang gwardiya, hindi parin ligtas sa kaso kahit na makipag-areglo ang biktima sa kanila

Driver ng SUV na bumangga sa isang gwardiya, hindi parin ligtas sa kaso kahit na makipag-areglo ang biktima sa kanila

0

Hindi parin makakaligtas ang driver ng SUV na sumagasa sa isang gwardiya sa Mandaluyong City kahit na maging matagumpay ito sa pakikipag-areglo.

Ito ang sabi ni Land Transportation Office (LTO) chief Asec. Edgar Galvante sa panayam sa kanya sa radyo.

Ayon kay Galvante ay maari paring humarap sa kasong administratibo kahit na iatras ng biktima ang kanyang pagsasampa ng reklamo.

“Kung may kasalanan ang driver, hindi komo pinatawad siya ng kanyang biktima, eh absuwelto na rin siya sa administrative isasampa sa kanya. Kung ma-involve kasi ang driver sa ganyang mga insidente, may karampatan, may kaukulang administrative sanction na mai-impose ang LTO.” ani Galvante.

Nasa suspek din na pinangalanang si Jose Antonio San Vicente kung paano niya papatunayan na hindi nga siya ang driver ng SUV niya ng mga oras na ‘yon.

Ayon kasi sa ilang ulat ay anak ni Mr. San Vicente ang nagmamaneho ng nasabing sasakyan noong bumangga ito sa gwardiya.

“Kasama iyan sa procedure na pinagpapaliwanag siya para ma-establish talaga ang tunay na pangyayari. Katulad noon, hindi namin alam sa ngayon kung siya mismo—ang registered owner—ang nagmamaneho o may nagmamaneho para sa kanya,” paliwanag ni Galvante.

Matatandaan na haharap sa patong patong na reklamo ang suspek na maari niyang ikakulong ng ilang taon.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Vicente kung ano ang magiging hakbang nila sa haharapin nilang kaso.

Facebook Comments