Home Celebrities Andrea Brillantes sa natatanggap niyang batikos: “Madaming mga tao na close-minded”

Andrea Brillantes sa natatanggap niyang batikos: “Madaming mga tao na close-minded”

0

Nagbigay ng kanyang opinyon ang aktres na si Andrea Brillantes sa bashing na natatanggap niya sa social media nitong mga nakaraang linggo.

Matatandaan na inulan ng batikos online si Andrea at isa sa mga dahilan nito ay ang kanyang pagkwestiyon sa naging desisyon ng publiko nitong nakaraang halalan 2022.

Umabot pa sa punto na tinanong ng aktres ang mga botante kung “nasaan ang utak” nila.

Sa isang panayam naman ay naniniwala si Andrea na hindi lamang siya naiintindihan ng ilang netizens at ang ilan din dito ay sarado ang utak.

“When I was younger kasi, puro lang ako love, happiness and positivity. Never ko inisip ’yong mga bashing, kasi nga di naman gano’n ang tingin ko sa mundo,” ani Andrea.

“Until unti-unti ko na-realize na madaming mga tao na close-minded. Madaming tao na ’di ka maiintindihan. Madaming tao na ’yong actions mo kahit good intentions ’yan, puwede pa rin nilang maliin.” dagdag niya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Hanggang ngayon ay hindi parin tinitigilan ng ilang netizens si Andrea at ang ilan ay patuloy parin sa pag-boycott sa mga produkto na ineendorso ng Kakampink celebrity.

Kada galaw din niya ay bantay ng mga netizens kasama na ang pagbili nito sa isang tindahan habang siya ay nagba-baby talk.

“Sumobra arte mo. Wala na sa lugar di ka good influence sa mga kahenerasyon mo..” sabi ni Jeffry Eleaterio.

“Mahirap talaga intindihin ang mga brat na tulad mo,” ani Enrico Galan.

“Like we don’t understand why you turned out the way you are… you’ve become soooo…” komento naman ni Rose Pedrosa.

 

Facebook Comments