HomeCelebritiesRuffa Gutierrez, gaganap na Imelda Marcos sa isang proyekto na likha ni...

Ruffa Gutierrez, gaganap na Imelda Marcos sa isang proyekto na likha ni Darryl Yap

Inaabangan ngayon ng mga netizens ang pagganap ni Ruffa Gutierrez bilang si dating first lady Imelda Marcos sa proyekto ng direktor na si Darryl Yap.

Sa isang Facebook post ay makikita si Yap habang nakikipag-meeting para sa kanyang susunod na pelikula na ‘MAID in MALACANANG’ kung saan ay isa sa mga posibleng maging cast ay si Ruffa.

Ayon kay Yap ay kumpirmado na ng VIVA films ang kanyang proyekto at nagpasalamat ito sa mga namumuno sa nasabing kumpanya.

“Maraming Salamat sa aking Viva Entertainment family, to the del Rosarios, Tita June Torrejon-Rufino and to all my bosses!” ani Yap sa kanyang post.

Ang pelikula ay layon na ipakita sa publiko kung ano ang nangyari sa Malacanang 72 oras bago maganap ang EDSA People Power Revolution na matatandaang nagpatalsik kay dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. na ama ni president-elect Bongbong Marcos.

Wala pang kumpirmasyon mula kay Yap kung sino ang gaganap na dating pangulong Marcos sa nasabing pelikula.

Hindi rin daw ito maituturing na historical revisionism dahil ibabahagi lamang daw nila ang istorya ng mga Marcos.

Samantala ay ibinahagi naman ni Ruffa ang ilan sa mga larawan niya kasama ang dating unang ginang na senyales ng kanyang pagtanggap sa role para sa nasabing pelikula.

Ilang celebrity friends ni Ruffa ang nagbigay ng reaksyon sa ibinahagi niyang larawan.

“Wow!!!!” komento ni Bianca Manalo.

“Congrats on the new role!!!” ani Raymond Gutierrez.

“Told you one day you’ll really do this,” sabi ni Yap sa aktres.

Sa ngayon ay wala pang komento ang unang ginang sa nasabing pelikula.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular