Home Celebrities Robin Padilla, naniniwala na si Kris Aquino ang isa sa mga dahilan kung bakit topnotcher siya sa senado: “Hinding hindi kami makakalimot”

Robin Padilla, naniniwala na si Kris Aquino ang isa sa mga dahilan kung bakit topnotcher siya sa senado: “Hinding hindi kami makakalimot”

0

Naniniwala si incoming senator Robin Padilla na isa sa mga dahilan ng pangunguna niya sa mga senatoriables nitong halalan ay si Kris Aquino.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Robin ang kanyang pasasalamat kay Kris dahil sa diumano’y pagtulong nito sa kanya na makuha ang boto ng mga Aquino.

“Maraming nagtatanong at nagtataka kung bakit napakataas ng boto ko at kung paano ako nag number one. Walang nakakaalam na May boto rin ako galing sa kampo ng mga Aquino. Kalagitnaan ng campaign period, nag aalala si Kris sa survey ko. Kinausap niya ako kung ano ang campaign strategy ko, sabi ko ‘conventional lang ako dahil wala naman ako pera’. Ang alas ko lang talaga ay si PRRD, SBG at si Inday Sara Duterte, endorsement lang ng tatlong ito umiikot ang aking pag asa na manalo at syempre ang tulong ng taong bayan,” kwento ni Robin.

“Sabi ni Kris tutulungan niya ko at ginawa niya kahit sinabi ko na baka makadagdag ng stress niya. Tinawagan niya mga matitinding Governor, LGU officials at mga matataas na Tao na may paggalang at Malalim na sa pasasalamat sa mga Aquino. Hindi kailanman naging isyu sa kanya na Uniteam ako , nagtataka ang mga nakakausap niya kung bakit ako nilalakad sa kanila pero sinasagot Lang niya ito ng basta pls help robin for me.” dagdag niya pa.

Ibinahagi din nito ang pagkakaibigan nila ni Kris na hindi nila binitawan sa gitna ng kinakaharap nitong pagsubok.

“Nong nalaman namin ni Mariel na may sakit si ms Kris Aquino, hindi na kami bumitaw sa kanya at ganon din si ms Kris Aquino. Pinagluluto ni Mariel si Kris ng pagkain at kahit hirap si Kris sa intake ng solid na pagkain she makes sure na well appreciated ng buong pamilya niya si Mariel,” wika pa ni Robin.

“Maraming Maraming salamat ms Kris Aquino. Ang ating pagiging magkaibigan ay hindi naapektuhan ng pulitika bagkus ito pa ang nagbuklod sa atin. Hinding hindi kami makakalimot,” dagdag niya pa.

Nangako naman na dadalaw si Robin kay Kris sa US kapag nakakuha na siya ng VISA.

Sa ngayon ay nasa Amerika si Kris upang magpagamot sa kanyang kakaibang karamdaman.

Matatandaan na sinabi ng mga doktor na 25% na lamang ang tsansa ni Kris na mabuhay sa loob ng limang taon kung hindi siya idadaan sa gamutan sa Amerika.

 

Facebook Comments