HomeCelebritiesGobernador ng Cavite, binatikos ang diskriminasyon ng Church of God Dasmarinas kay...

Gobernador ng Cavite, binatikos ang diskriminasyon ng Church of God Dasmarinas kay Sass Rogando Sasot

Kinondena ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang ginawang diskriminasyon ng Church of God Dasmarinas sa international relations expert at LGBT advocate na si Sass Rogando Sasot.

Matatandaan na nitong Hunyo 3 ay sinubukang paalisin ng mga tauhan ng COG si Sasot na nagbibigay ng talumpati noon para sa mga graduates ng Southern Philippines Institute of Science & Technology (SPIST) na rumerenta sa simbahan ng nasabing christian group.

Pinagpatayan din si Sasot ng mikropono at ilaw upang mapwersa ito na tumigil sa kanyang pagtatalumpati.

READ MORE: Transgender na International relations expert na tagasuporta ni BBM pinagsarhan ng ilaw at mikropono habang nagtatalumpati

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Remulla ang Provincial Ordinance ng Cavite na maaring nilabag ng Church of God kung saan ay ipinagbabawal ang diskriminasyon base sa kanilang “orientation, gender identity at expression”

“What a shame! This is not what Cavite is all about. This is not what the Southern Philippines Institute of Science and Technology is all about. This is not what the present and the future is all about.” ani Remulla.

“This is about people who use the shield of their faith to spread hate and bigotry where a church should be about compassion and tolerance. How do you change the minds of these people? They are using the bible in the most dangerous way possible; using the old testament in the context of a culture 2,000 years old.” dagdag niya pa.

Ibinahagi ni Remulla na marami siyang kakilalang gay at kahit ang ilang staff niya sa kapitolyo at mga miyembro ng LGBT community.

“No matter what, continue to be a voice for those who cannot defend themselves. No one can silence the roar of a righteous cause. Nothing can dim the light that shines from within. I am on your side and the whole LGBTQ community on this.” mensahe ni Remulla.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Church of God tungkol sa posibleng paglabag nila sa ordinansa ng probinsiya ng Cavite.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular