Home Uncategorized Church of God na nagpakita ng diskriminasyon kay Sass Rogando Sasot, sinuportahan ang tambalang Leni-Kiko

Church of God na nagpakita ng diskriminasyon kay Sass Rogando Sasot, sinuportahan ang tambalang Leni-Kiko

0

Usap-usapan ngayon ang ‘Christian’ group na Church of God matapos nitong patayan ng ilaw at mikropono ang international relations expert at LGBT advocate na si Sass Rogando Sasot dahil sa pagiging transgender nito.

Sa paliwanag ng senior Pastor ng COG na si Bishop Anthony Velasco ay isa sa mga ipinagbabawal sa kanilang venue ay ang pagsasalita tungkol sa politika.

“The sanctuary, particularly the pulpit, should not be used for political endorsement,” ani Velasco.

Ngunit ilang netizens ang ibinahagi sa social media na nitong nakaraang eleksyon lamang ay may isinagawang programa sa loob mismo ng COG church bilang pagpapakita ng suporta sa tambalan nila Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na parehong natalo nitong halalan.

Makikita sa larawan na ibinahagi ni Jek Valencia ang isinagawang programa para sa Leni-Kiko tandem.

Malayo ito sa depensa ng ilang miyembro kung saan sinasabi na hindi “political” ang nasabing religious group.

Samantala ay ibinahagi naman ni Sasot ang kontrata sa pagitan ng Southern Philippines Institute of Science & Technology (SPIST) at COG.

Makikita sa nasabing kontrata na nagbigay ng “donasyon” na nagkakahalaga ng 220,000 pesos ang SPIST kapalit ng pagpaparenta ng COG sa kanilang simbahan upang magamit nila ito sa graduation.

“210k “donation” para walang tax. Are they taking advantage un separation of church and government na di sila taxable kapag declared as “donation”?” tanong ni netizen Rey-An Moreno.

“This is one thing our lawmakers should looked into. Many of these hypocrite churches are plundering money in the guise of church. This is money after all and all other religions.” wika ni Libertarian Expression.

Facebook Comments