HomeSocial MediaBulusan o Balesin? VP Leni Robredo, namataan sa mamahaling resort island ng...

Bulusan o Balesin? VP Leni Robredo, namataan sa mamahaling resort island ng Balesin

Matapos magbakasyon sa New York ay sa mamahaling resort naman ng Balesin Island namataan si Vice President Leni Robredo.

Sa isang Facebook post, makikita ang isang supporter ni Robredo na ikinatuwa ng makita niya ang bise presidente na kasabay niya sa flight papunta sa Balesin Island.

“Look who I chanced upon in Balesin – VP Leni Robredo! Same flight and same villa, what a coincidence!” sabi ni netizen Matthew Lim sa kanyang ngayon ay deleted na Facebook post.

Ang Balesin Island ay isang luxurious resort na hindi basta basta mapupuntahan ng hindi ka gumagastos ng milyon milyong piso.

Ayon sa website ng Balesin Island ay kailangan muna ng mga bibisita dito na maging member at nagkakahalaga ito ng $50,000 o 2,645,500.00 pesos kung ikaw ay hindi naninirahan sa Pilipinas.

Kung ikaw naman ay sa Pilipinas nakatira ay nagkakahalaga ang gold membership ng 2.5-M pesos na may libreng 7 nights stay. Diamond membership na nagkakahalaga ng 4.5-M pesos para sa libreng 14 nights stay at platinum membership na nagkakahalaga ng P6.5-M para sa 28 na gabi ng pamamalagi sa isla.

Kailangan din diumanong magbayad ng buwanang membership dues ang mga miyembro nito.

Hindi naman kumpirmado kung miyembro nga ba si Robredo ng nasabing luxurious resort.

Posible naman sa mga hindi miyembro na makapunta sa Balesin kung sila ay imbitado ng isa sa mga member nito.

Samantala ay hati naman ang reaksyon ng mga netizens dahil sa matatandaan na nag-tweet si Robredo at sinabi na pinaghahandaan nila ang relief operations para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Bulusan.

284506615 10160362846355168 4308056729229043082 n

“Bulusan po VP Leni Robredo, hindi Balesin. Magkaiba po yun ma’am.” sabi ng blogger na si RJ “Thinking Pinoy” Nieto.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular