Home Celebrities Agot Isidro, inanunsyo ang hindi niya pagbibigay ng tulong sa DSWD at Red Cross: “Doon tayo sa mapagkakatiwalaan!”

Agot Isidro, inanunsyo ang hindi niya pagbibigay ng tulong sa DSWD at Red Cross: “Doon tayo sa mapagkakatiwalaan!”

0

Tumaas ang kilay ng ilang netizen sa tweet ng aktres na si Agot Isidro kung saan inanunsyo nito na tutulong lamang siya sa Angat Buhay NGO na pangungunahan ni Vice President Leni Robredo kapag siya ay nagretiro na.

Sa kanyang tweet, binanggit din ni Isidro ang Philippine Red Cross at Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan ay sinabi niya na doon lamang siya tutulong sa mas mapagkakatiwalaan na NGO at ‘yun ay ang Angat Buhay.

“Focus muna tayo sa Angat Buhay ha. All my efforts will be funneled towards this NGO.” ani Robredo.

“Sorry, Red Cross. Sorry, DSWD. Sorry government initiatives. Doon ako sa mapagkakatiwalaan!” dagdag niya pa.

Ilang netizens naman kasama na si Mark Lopez ang binatikos si Agot dahil sa kanyang tweet.

Ayon kay Lopez ay si Agot ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nanalo si Robredo.

“Agot Isidro is another compelling personality who heavily contributed to the downfall of Madumb, and antipathy and hatred of our people towards the Kakampink cause.” sabi ni Lopez.

“She is one major reason why they will remain losers, unwanted, and distrusted by our countrymen.” dagdag niya pa.

Ang Angat Buhay ay isang Non-governmental organization kung saan ay posibleng ipagpatuloy ni Robredo ang mga programa niya na nagawa niya sa kanyang pagiging bise presidente.

Kasama na dito ang Bayanihan E-Konsulta na maituturing na isa sa mga pinakamalaking ambag ni Robredo sa kanyang termino bilang bise presidente.

Ilan sa mga kilalang personalidad na makikilahok sa Angat Buhay NGO ay sina outgoing Sen. Franklin Drilon at Kiko Pangilinan.

 

Facebook Comments