HomeUncategorizedVice Ganda, kinanta ang "Bagong Pilipinas, Bagong Mukha" ni Andrew E sa...

Vice Ganda, kinanta ang “Bagong Pilipinas, Bagong Mukha” ni Andrew E sa It’s Showtime

Ikinagulat ng mga manonood ng It’s Showtime ng biglang isingit ng isa sa mga host ng noontime show na si Vice Ganda ang sikat na sikat na political jingle ni Andrew E noong kampanya.

Sa episode ng It’s Showtime nitong Mayo 31 ay makikita sila Vice kasama na sila Kim Chiu at Vhong Navarro habang kinakausap ang isa sa mga contestant ng “Tawag ng Tanghalan”.

Dahil sa jacket na soot ng contestant ay napakanta sila Vice ng kanta ng international artist na si Florida na “Low”.

“And the whole club was looking at her. She hit the floor. Next thing you know. Shawty got low, low, low, low, low, low, low, low,” sabay sabay na kanta at sayaw ng tatlong host.

Habang nagbe-beat sila ay biglang isiningit ni Vice ang ilang bahagi ng kanta ni Andrew E. na jingle para sa tambalan ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice president-elect Sara Duterte.

“Bagong Pilipinas, Bagong Mukha” ani Vice.

Ikinagulat naman ito ni Kim at sinabi na “dun lang tayo sa apple bottom jeans,”

“Uy sikat na sikat ‘yun, viral ‘yung kantang yun,” paliwanag naman ni Vice kay Kim.

Matatandaan na si Vice President Leni Robredo na matinding karibal ng tambalang BBM-Sara ang sinuportahan ni Vice at Kim.

@jm_oliciaAHAHAHAHA

♬ original sound – J O M E L 🐼🇵🇭

Halo halo naman ang reaksyon ng mga netizens sa ginawang ito ni Vice.

“HAHAHA nakakatawa, i mean, tapos na eleksyon eh so parang parte na sya ng humor nila hahaha,” sabi ng isa sa mga netizen.

“Kahit ako na kakampink Lss dyan eh,” wika ni Kim Co.

“Feeling ko BBM si Vice. Kasi si Vhong BBM eh. Natakot lang siguro yan dahil baka ma cancel,” komento naman ni Bella Katana.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular