Home Celebrities Sara Duterte binanatan si Raissa Robles dahil sa sinabi nito tungkol sa Mindanao: You should be ashamed of yourself

Sara Duterte binanatan si Raissa Robles dahil sa sinabi nito tungkol sa Mindanao: You should be ashamed of yourself

0

Hindi napigilan ni Vice President-elect Sara Duterte na batikusin ang mamamahayag na si Raissa Robles dahil sa kontrobersyal na komento nito tungkol sa balak ng susunod na administrasyon sa turismo ng Mindanao.

Matatandaan na nitong Hunyo 2 ay sinabi ni Robles na matutuwa ang Abu Sayaff sa gagawing pagbubukas ng Mindanao para sa mga turista.

Screencap ng tweet ni Raissa Robles (@raissawriter)

Hindi naman ito nagustuhan ni Duterte na mula sa Mindanao.

Ayon sa susunod na bise presidente ay tila sinisiraan ni Robles ang Mindanao at malaki itong insulto sa mga naninirahan dito.

“The views expressed by Raissa Robles on Mindanao in reaction to the plan of incoming Tourism Secretary Christina Frasco to develop the region as a tourist destination are replete with journalistic recklessness and irresponsibility — something that calls for our collective condemnation as it grossly discriminated against all Mindanawons, especially those living in Moro communities.” ani Duterte.

“What Robles did was a demonization of Mindanao and an insult to its people, who also deserve to experience the gains of the Duterte administration over the past six years. Robles clearly wanted to undervalue everything that the Duterte administration has done in keeping the peace and security in Mindanao and ensuring that concerns caused by terrorist organizations, including kidnap for ransom groups, are addressed appropriately with the help of local governments and leaders of communities.” dagdag niya pa.

Ipinagmalaki ni Duterte na simula 2016 ay wala pang nangyayaring kidnapping sa Basilan kung saan namamalagi ang mga miyembro ng Abu Sayaff.

“As a Filipino, Robles should be ashamed of herself for dangerously trying to stoke and encourage terrorist groups to target tourists in Mindanao.” sabi pa ni Duterte.

Maliban kay Duterte ay ilang politiko at netizens din ang binatikos si Robles.

Isa na dito si KUSUG TAUSUG party-list Rep. Shernee Tan-Tambut na inimbitahan ang mamamahayag sa Mindanao upang makita niya na mapayapa na sa nasabing lugar.

Facebook Comments