Home Celebrities Lian Paz ibinunyag na walang pinapadalang sustento si Paolo Contis sa mga anak nila: “Sana dinaan ko nalang sa lawyer”

Lian Paz ibinunyag na walang pinapadalang sustento si Paolo Contis sa mga anak nila: “Sana dinaan ko nalang sa lawyer”

0

Ibinunyag ng aktres na si Lian Paz ang kanyang panghihinayang matapos niyang hindi idaan sa korte ang isyu niya sa dati niyang asawa na si Paolo Contis.

Sa panayam sa kanya ay sinabi ni Lian na hindi man lang nagpapadala ng suporta para sa mga anak nila si Paolo.

“Sad to say, wala.” wika ni Lian matapos siyang tanungin kung nagpapadala ba si Paolo kay Xonia at Xalene.

Ayon sa kanya ay binalak niyang idaan sa legal na paraan ang panghihingi ng sustento kay Paolo ngunit nakiusap diumano ang aktor sa kanya na idaan na lamang sa magandang usapan ang isyu nila.

“At first… Nagpatulong pa nga ako kay Tita Malou [Choa-Fagar, former Eat Bulaga! executive] na humanap ng lawyer for that. Kasi, hindi nga ako maalam sa ganyang bagay. Mahirap din kasi emotional ako that time, so para yung mga bata lang ang maisip ko,” pagbubunyag ni Lian.

“Matagal na kaming hindi nag-uusap, pero nakipagkita siya. Nakiusap siya sa akin na huwag nang idaan sa lawyer. Para kung lumaki raw mga bata, wala nang makikita o mababasa na mga ganyan,” dagdag niya pa.

Pumayag naman daw siya sa mungkahi ni Paolo ngunit hindi siya makapaniwala ng hindi tumupad ang aktor sa kanilang usapan.

Kasi siyempre, noong naghiwalay kami, wala akong trabaho. As in, zero talaga. So, sinunod ko siya. Pero nung sinunod ko siya, akala ko, okay. Pero mas maganda na idinaan ko na sa lawyer pala,”

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Paolo tungkol sa mga akusasyon laban sa kanya ni Lian.

Matatandaan na noong 2021 ay nagpakita ng suporta si Lian kay LJ Reyes na naging karelasyon din ni Paolo.

READ MORE: Paolo Contis, hindi daw nagbibigay ng sustento sa mga anak niya ayon kay Lian Paz: “Ako lang ang nagsumikap for them!”

Dito niya rin ibinunyag na siya na ngayon ang nagtataguyod sa mga anak nila ng aktor.

Facebook Comments