Home Celebrities Korina Sanchez, naghahanap ng kasambahay na ang pangalan ay “Leni”

Korina Sanchez, naghahanap ng kasambahay na ang pangalan ay “Leni”

0

Naghahanap ngayon ang reporter at television host na si Korina Sanchez ng kanyang susunod na kasambahay.

Ngunit may kakaibang requirements si Korina para sa mga gusto na magsilbi sa kanya.

Sa kanyang video, sinabi ni Korina na naghahanap siya ng kasambahay na may palayaw na “Leni” o ‘yung kapareho ng tawag kay Vice President Maria Leonor Gerona Robredo.

Ipinakita rin niya na mayroon din siyang mga tauhan na ang palayaw ay “Ninoy” at “Marcos” na maaring makasama ni “Leni” sa kanyang tahanan.

“In my household, Ninoy and Marcos are best friends,” sabi ni Korina.

Ibinili niya rin ng damit si Ninoy at Marcos bilang pasasalamat sa kanyang mga tauhan.

Balak niya rin na bilhan ng sapatos ang dalawa habang hindi pa dumadating si “Leni” sa kanilang tahanan.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng reaksyon sa ibinahaging video ni Korina.

May ilan na sinabayan ang biro ni Korina, habang ang ilan ay hindi natuwa sa biro ng host.

“Parang hindi maganda ang mga balak nya sa mga pangalan,konting pagrespeto naman sa susunod balik karma yan sa iyong pamilya da faminh pangalan milyon-milyon iyan ang pipiliin mo ay naku,” sabi ni netizen Bernadette Marra.

“Commoner” Korina has a poor taste in humor/joke. After all these years of being married to a pedigreed Roxas, parang hindi pa rin nakuha ang “class” ng Roxas clan,” wika ni Nina Simeon.

“Ako din naghahanap din ako ng taga linis ng toilet namin sa bahay at office. Gusto ko Korina ang name nya para malaman din nya kung gaano siya kabastos!” komento naman ni Dani Vargas.

 

Facebook Comments