HomeCelebritiesTransgender na International relations expert na tagasuporta ni BBM pinagsarhan ng ilaw...

Transgender na International relations expert na tagasuporta ni BBM pinagsarhan ng ilaw at mikropono habang nagtatalumpati

Inulan ng batikos ang Church of God Dasmarinas matapos nitong pagsarhan ng sound system at ilaw ang international relations expert na si Sass Rogando Sasot dahil diumano sa pagiging transgender nito at tagasuporta ni BBM.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Sasot ang ginawang hindi pagpapakita sa kanya ng respeto ng nasabing ‘Christian group’ habang siya ay nagtatalumpati para sa mga graduate ng Southern Philippines Institute of Science & Technology (SPIST).

Ayon sa kanya ay gusto ng Church of God na may-ari ng graduation venue na nirerentahan ng SPIST na hindi siya pagsalitain sa graduation dahil sa pagiging transgender niya.

Kung ipipilit daw ito ng nasabing eskwelahan ay mapipilitan sila na patayan sila ng ilaw at sound system.

Tinotoo naman ng Church of God ang kanilang banta at makikita sa video na habang nagsasalita si Sasot ay pinagsarhan siya ng ilaw at sound system.

Makikita rin na sinusubukan ng mga security ng nasabing Christian group na hilahin paalis ng venue si Sasot ngunit hindi parin ito tumigil sa kanyang pagsasalita.

Pinatayan man ng ilaw si Sasot ay inilawan naman siya ng mga estudyante ng SPIST gamit ang kanilang mga cellphone.

Hinangaaan naman ng mga netizens si Sasot dahil sa hindi ito nasindak sa pagbabanta sa kanya ng Church of God.

“Ms. Sass you are the shining star in the midst of darkness. I don’t believe that the good Lord is discriminatory when it comes to who we choose to be. It’s saddening that you experienced such treatment. Ang ibinababa ng tao ay iniaangat ng Panginoon.” ani Edgardo Farms.

“It’s funny how they call themselves the “Church of God” and yet they do not conform to the teachings of God. The irony,” wika ni Jaye Lumagbas.

“The sad part about this event Sass is The most mainstream media is not interested in reporting this issue because you have other political allegiance that is against theirs.” komento naman Libertarian Expression.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular