Home Celebrities Moira dela Torre, itinanggi na nagtaksil siya kay Jason Hernandez: “We ask for respect during this difficult time”

Moira dela Torre, itinanggi na nagtaksil siya kay Jason Hernandez: “We ask for respect during this difficult time”

0

Itinanggi ng singer na si Moira dela Torre ang mga kumakalat na balita tungkol sa diumano’y pagtataksil niya sa asawa niyang si Jason Hernandez.

Matatandaan na kumalat sa social media ang koneksyon ni Moira sa singer at composer na si Zack Tabudlo na maaring isa daw sa mga naging isyu ng mag-asawa.

Ilang larawan sa social media ang makikita si Moira kasama si Zack at ayon sa ilang post ay nagkaroon ng daw pagkakamabutihan ang dalawa.

READ MORE: Moira Dela Torre at Jayson Hernandez, hiwalay na: “I have been unfaithful to her during our marriage”

“When Jason was in Dubai, his wife spent time with Zack Tabudlo the singer and I guess nag-click sila,” ayon sa post na kumakalat sa social media.

Ngunit sa kanyang Instagram post nitong Hunyo 3 ay itinanggi ni Moira na gumawa siya ng kataksilan kay Jason.

“For those of you who know my story, you can imagine the long journey of grieving and healing I have ahead of me. The revelations of things that happened over the last two years have been difficult, painful, and heartbreaking to process,” ani Moira.

“In spite of the pain I’m experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason,” dagdag niya pa.

Ikinalungkot ni Moira ang mga balita na kumakalat sa social media tungkol sa kanila at humiling na sana’y irespeto na lamang ang kanilang privacy sa panahon na ito.

“I don’t know what the future holds, but hope continues to be the song that I sing. Even in pain – especially in pain – I will continue to place my complete trust in the one who has never let me down,” wika ng singer.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Zack tungkol sa isyu na kinasasangkutan niya.

Facebook Comments