HomeCelebritiesMigz Zubiri may payo kay Robin Padilla: "Kailangan mag-aral ka nang mabuti"

Migz Zubiri may payo kay Robin Padilla: “Kailangan mag-aral ka nang mabuti”

Nagbigay ng payo si Senador Migz Zubiri kay incoming senator Robin Padilla na inaasahan na hahawak sa committee on constitutional amendment at public information.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Zubiri na kailangan pag-aralang mabuti ni Padilla ang Constitution at legal terminologies dahil kinakailangan ito sa pamumunuan niyang komite.

“Actually sa totoo lang, abogado talaga ang humahawak ng committee na ’yan, pero gusto niya eh. Baka magpakitang gilas ang ating kaibigan na si Senator Robin Padilla but I have to appeal to him and of course bigyan ko po ng payo at advise, mag-aral nang mabuti. Kailangan mag-aral ka nang mabuti,” ani Zubiri na isa sa mga inaasahan na magiging susunod na senate president.

“So you have to know the legal terminologies. Hindi puwedeng i-simplify ang napaka-complicated na legal terminologies, particularly on revising laws and the Constitution. Lalo na kung ang kadebate mo ay cons­titutionalist, mga dean of the law school of different colleges,” dagdag niya pa.

Ito rin ang paniniwala ni outgoing senate minority leader Franklin Drilon.

“I join the incoming Senate Pres. Miguel Zubiri when he said that mag-aral ka nang mabuti. This is a very clear advise that I join the incoming senate president as our message to senator-elect Robin Padilla.” ani Drilon.

“The committee that he chose to head – Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes and Law – this requires legal knowledge and not only legal knowledge, you must have exposure to the Constitution.” dagdag niya pa.

 

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng tugon si Padilla sa payo sa kanya ni Zubiri at Drilon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular