HomeCelebritiesMel Tiangco ikinuwento ang laban niya sa ABS-CBN: “Sobra ang panlalait sa...

Mel Tiangco ikinuwento ang laban niya sa ABS-CBN: “Sobra ang panlalait sa akin, para akong ipis nun”

Bigong manalo ang beteranong mamamahayag na si Mel Tiangco sa kanyang dating network na ABS-CBN.

Ito’y matapos katigan ng Supreme Court ang naging desisyon ng Court of Appeals (CA) kung saan ay nasasaad na hindi siya maaring makakuha ng separation pay, moral damages at attorney’s fees.

Nag-umpisa ang isyu noong 1995 kung saan ay diumano’y iligal na sinuspinde si Tiangco ng ABS-CBN dahil sa paglabas niya noon sa commercial ng isang detergent brand.

Ayon sa kanya ay dapat lamang siyang bayaran ng ABS-CBN dahil sa isa siyang empleyado ng nasabing network.

Ngunit pinaburan ng korte ang depensa ng nasabing network kung saan ay sinasabi nila na hindi naman nila empleyado si Tiangco.

Sa desisyon ng Korte Suprema ay nakasaad na:

  1. She herself acknowledged that she was hired because of her “peculiar talents, skills, personality, and celebrity status,” and a unique skill, expertise, or talent is “one of the factors in determining the nature of a person’s status at work.”
  2. Payment through a company payroll on specified dates with income tax is “not conclusive proof” of employer-employee relationship and is “oftentimes” done for the sake of convenience.
  3. The SC also highlighted Tiangco’s “extraordinarily high” talent fee, which comprised P410,000 for the first year and P417,000 for the second and third, as well as a signing bonus of P500,000 worth of ABS-CBN stocks, as one that is “unlike ordinary employees.” She also had a say on her terms of engagement.

Sa gitna ng desisyon ng korte ay nagviral naman sa social media ang naging pahayag ni Tiangco sa Philippine Entertainment Portal nitong 2013 kung saan ay ibinahagi niya ang sakit na naramdaman niya sa ilalim ng ABS-CBN.

“Naku, baka hindi puwede! Kasi yun ang pang-aapi sa akin ng ABS (CBN), pero puwede ba yun? baka idemanda tayo! Kasi kung meron mang bahagi ng buhay ko na may matinding pinagdaanan ko-iyon, eh,” Tiangco said when asked if she want her life story to be featured in tv show ‘Magpakailaman’.

Ayon kasi sa kanya ay itinuring siyang ipis ng network na kanyang pinagtrabahuhan.

“Kasi sobra ang panlalait sa akin. Sobra ang pagtapak sa akin. Dini-describe ko nga nun na, feeling ko, para akong ipis nun,” she said.

Hindi rin daw niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang naging trato sa kanya ng ABS-CBN kahit na minahal niya naman ito.

“Ang natutunan ko lang sa experience na yun, ‘You cannot put a good man down. Pero alam mo noon, litung-lito ako, na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kasi, you know, I love that company very much. I gave everything I had. Bakit ako ginaganito?’ Yun lang ang umaano sa isip ko, ‘Ano ba ang ginawa ko? Bakit nila ako ginaganito?’” she said.

Hindi man siya nakatanggap ng public apology sa ABS-CBN ay napatawad narin naman daw niya ang mga nanakit sa kanya.

“Napatawad ko na sila kahit hindi sila nagsu-sorry. Napatawad ko na sila. Bakit hindi ko sila papatawarin, e, ang ganda-ganda ng buhay ko dito sa GMA,” the veteran journalist said.

Dahil sa nasabing isyu ay lumipat si Tiangco sa GMA kung saan ay hanggang ngayon ay nagsisilbi parin siya.

 

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular