Home Celebrities Kris Aquino, may update tungkol sa kanyang kalusugan: “I’ll miss you- my friends & followers very much

Kris Aquino, may update tungkol sa kanyang kalusugan: “I’ll miss you- my friends & followers very much

0

Nagbigay ng update ang television host na si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan at sa susunod na tatahakin niya upang madugtungan pa ang kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Kris na mami-miss niya ang kanyang mga kaibigan at followers dahil sa nagdesisyon na ito na lumipad sa Amerika upang magpagamot sa Houston.

“I’ll miss you- my friends & followers very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart. So many people to thank but I choose to do that privately. #grateful,” ani Kris.

“For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok. Kahit 17 hours away na kami nila kuya josh & bimb to fly to & the Pacific Ocean separates the 🇵🇭 from 🇺🇸, i’d still like to end this with,” dagdag niya pa.

Makikita rin sa video na ibinahagi ni Kris ang gagawing aksyon ni Dr. Nino Gavino na nakabase sa Houston, Texas kapag dumating na ang Queen of All Media sa Amerika.

“Upon her arrival here in Houston, we will start our comprehensive blood testing to re-evaluate her autoimmune markers and status of her internal organs (EGPA can cause permanent damage to the heart, lungs, and kidneys), imagine studies, allergy test, and genetic tests for mast cell and eosinophilic disorders,” sabi ng doktor.

Inulan naman ng positibong mensahe si Kris mula sa kanyang mga kaibigan at tagahanga.

Facebook Comments