Home Celebrities Enchong Dee, pumunta sa Davao upang subukan makipag-areglo sa mambabatas na nagsampa sa kanya ng 1-B cyberlibel case

Enchong Dee, pumunta sa Davao upang subukan makipag-areglo sa mambabatas na nagsampa sa kanya ng 1-B cyberlibel case

0

Pumunta nitong Hunyo 2 ang aktor na si Enchong Dee sa Digos City upang subukan na tuldukan ang cyberlibel case na isinampa sa kanya ng Dumper Partylist Rep. Claudine Bautista-Lim kung saan ay sinisingil siya nito ng isang bilyong piso.

Makikita sa isang larawan si Dee habang nakikipag-usap sa kanyang abogado sa harapan ng Hall of Justice ng Digos.

Naroon si Enchong upang dumalo sa “mediation hearing” kung saan ay maaring pag-usapan kung maaring makipag-areglo nalang siya kay Bautista-Lim na matatandaan na inakusahan niya ng pangungurakot.

Mainit naman daw ang pagtanggap ng mga taga Digos kay Enchong at ang ilan ay hindi napigilan magpakuha ng litrato kasama ang aktor.

Matatandaan na nagsampa ng 1-B cyberlibel case si Bautista-Lim dahil sa tweet ni Enchong na lubos daw nakaapekto sa kanyang pagbubuntis.

Ayon kasi noon kay Enchong ay ang ginamit sa kasal ni Bautista-Lim ay pera ng mga driver na nirerepresenta ng kongresista.

“The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.” sabi ng aktor.

Humingi naman agad ng paumanhin si Enchong ngunit huli na ang lahat dahil sa desidido ang mambabatas na kasuhan ang aktor at pagbayarin ng isang bilyong piso.

Ngunit nitong Mayo 1 ay tila lumalamig na ang ulo ni Bautista-Lim kay Enchong dahil sa tinanong nito ang kanyang mga tagasuporta kung gusto ba nilang makita ang aktor na sumayaw sa rally ng kanyang partylist.

“Gusto niyo ba pasayawin natin siya dito?” tanong ni Bautista-Lim.

“Ayaw niyo? Ayaw ninyong patawarin? Kayo ang nagsabi niyan, ha?” sabi niya pa.

Facebook Comments