HomeCelebritiesPangulong Duterte, dinoble ang perang ibinigay sa mga atleta na sumabak sa...

Pangulong Duterte, dinoble ang perang ibinigay sa mga atleta na sumabak sa SEA Games

Ikinabigla ng mga atleta ng Pilipinas na lumaban sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na doblehin ang cash incentives na ibibigay sa kanila.

Nakipagkita sa huling pagkakataon si Pangulong Duterte sa mga atleta ng bayan sa MalacaƱang ilang linggo bago matapos ang kanyang termino upang pangaralan sila ng Order of Lapu-Lapu, rank of Kamagi.

Makikita sa ilang larawan ang mga kilalang atleta na sina Hidilyn Diaz, Efren “Bata” Reyes, at Nesthy Petecio.

Dinoble ni Duterte ang incentive sa mga atleta na makakakuha ng medalya sa SEA Games matapos ang magandang performance ng bansa sa nasabing palaro.

Nakakuha ng 52 na gold, 70 silver at 104 bronze medal ang Pilipinas.

Ayon sa batas ay dapat 300,000 ang makukuha ng isang gold medalist habang 150,000 naman sa silver at P60,000 sa bronze.

Ngunit ginawa itong 600,000, 300,000 at 120,000 ni Duterte.

Ikinatuwa naman ng mga atleta ang naging desisyon ng pangulo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular