Home Celebrities Pang-asar! Sen. Imee Marcos kay Karen Davila: “Akala ko ba mag-migrate ka kapag nanalo ang Marcos?”

Pang-asar! Sen. Imee Marcos kay Karen Davila: “Akala ko ba mag-migrate ka kapag nanalo ang Marcos?”

0

Pinagkaguluhan ng mga netizens ang naging usapan sa pagitan ni Sen. Imee Marcos at mamamahayag na si Karen Davila sa programang ANC Headstart.

Tila inungkat kasi ni Sen. Imee ang pagiging kritiko ni Davila sa mga Marcos sa mismong programa niya.

“Good morning Karen, It’s nice to see you are still here in the Philippines. Akala ko mag-ma-migrate ka pag nanalo ang Marcos.” pabirong sabi ni Sen. Marcos.

“Hoping always for the best for the country,” tugon naman ni Davila.

“Thank you very much. We need that, uniteam,” sagot naman ni Marcos bago mag umpisa ang panayam.

Ilang netizens naman ang hindi naiwasan na magbigay ng reaksyon sa sinabi ng senadora sa mamamahayag.

“Intro pa lang sampal agad?” ani @donvillar1.

May ilan naman na nagpakita ng suporta kay Davila.

Some are hurt because of truth being shoved to their faces. I adore you more, Miss Karen!” ani @leiflady.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang mamamahayag sa viral na banat sa kanya ni Marcos sa kanyang sariling programa.

Samantala ay sa nasabing panayam naman ay itinanggi ni Marcos na susuubukan nilang baguhin ang kasaysayan ngayong nasa kapangyarihan na muli sila.

Ngunit sana daw ay maibigay nila sa taumbayan ang kanilang panig.

Ibinahagi din nito ang posibleng pakikipag-trabaho ng administrasyong Marcos sa mga naging kalaban nila sa politika.

Facebook Comments