Home Celebrities Lalaking kasama ng asawa ni Moira dela Torre sa isang larawan, ipinaliwanag kung sino siya sa buhay ni Jason Hernandez

Lalaking kasama ng asawa ni Moira dela Torre sa isang larawan, ipinaliwanag kung sino siya sa buhay ni Jason Hernandez

0

Lumantad na ang lalaki na kasama ng asawa ni Moira dela Torre na si Jason Hernandez sa isang larawan.

Matatandaan na sa gitna ng balita ng hiwalayan sa pagitan ni Jason at Moira ay ibinahagi ng internet celebrity na si Xian Gaza ang ilang post na kinonekta ng ilang netizens sa nasabing isyu.

Isa na dito ay ang diumano’y bagong kanta ni Moira na “Lalake ang Gusto”

Screencap ng post mula kay Xian Gaza

Ibinahagi din ni Xian ang isang post na walang caption kung saan makikita si Jason na may kasamang isang lalaki sa loob ng isang eroplano.

Lumantad naman ang nasabing lalaki na si Mac Merla na handler pala ng mag-asawa.

“Just for the sake of clarity, for those who do not know us, I am Mac Merla of Cornerstone Entertainment Inc. I am the handler of Jason and Moira. This was taken during our flight to Dubai for Moira’s event which was taken by Moira heself.” ani Mac.

“This is a very difficult time and we continue to pray for both of them. Pakiusap ko lang sana sa inyo bilang malapit nilang kaibigan na sana umiwas na tayo sa mga speculations na hindi nakakatulong sa napakahirap na sitwas na pinagdaraanan ni Moi and Jason,” dagdag niya pa.

Facebook Comments