Home Celebrities Karen Davila sa pang-aasar sa kanya ni Sen. Imee Marcos: “Hindi ako napikon”

Karen Davila sa pang-aasar sa kanya ni Sen. Imee Marcos: “Hindi ako napikon”

0

Mariing itinanggi ng mamamahayag na si Karen Davila na napikon siya sa biro sa kanya ni Senador Imee Marcos.

Nitong Hunyo 1, nag-viral sa social media ang panayam ni Davila kay Marcos sa ANC headstart dahil sa tila inasar ng senadora ang mamamahayag.

“Yes, good morning Karen. It’s nice to see you you’re still here in the Philippines. “Akala ko magma-migrate ka pag nanalo ang Marcos.” ani Marcos.

Ang maiksing mensahe ni Marcos kay Davila ay nakakuha ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens at ang ilan ay hindi mapigilan na makisali sa pakiki-asar sa mamamahayag na noon pa inaakusahan ng pagiging kritiko ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ngunit sa kanyang social media post, nilinaw ni Davila na maayos niyang hinarap ang biro ni Marcos.

Ibinahagi din nito na humingi ng kapatawaran sa kanya si Marcos sa isang text message.

“Sen Imee Marcos on #ANCHeadstart joked about me still being in the PH after her brother’s victory to which I replied… ALWAYS HOPING FOR THE BEST FOR THE COUNTRY’ Yan po ang sagot ko.” wika ni Davila.

“Napikon po ba ako? Hindi po. Sen Imee Marcos also sent me an apology by text after the show. All good. Salamat!” dagdag niya pa.

“In victory, resist the temptation to gloat. Graciousness is a class act.” sabi niya pa.

Matatandaan na nitong nakaraang araw lang din ay pinag-usapan na si Davila dahil sa panayam niya kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno kung saan ay sinabi nito na ‘wala ng pera ang gobyerno’.

Facebook Comments