Home Celebrities Jessy Mendiola, hindi natutuwa sa mga netizens na sinasabing hihiwalayan siya ni Lucky Manzano: “Mabilis ang karma”

Jessy Mendiola, hindi natutuwa sa mga netizens na sinasabing hihiwalayan siya ni Lucky Manzano: “Mabilis ang karma”

0

Hindi lamang si Moira dela Torre at Jayson Hernandez ang viral ngayon sa social media kundi ang television host na si Lucky Manzano.

Nadamay kasi ang tv host sa mga meme kung saan ay mga lalaki na umiiyak daw sa kasal ay hinihiwalayan ang kanilang mga asawa.

Umiyak din kasi si Jayson sa kasal nila ni Moira.

Matatandaan na umiyak si Lucky sa kasal niya sa asawang si Jessy Mendiola noong 2021 kaya naman hinimok ng mga netizens na patunayan ng host na hindi totoo ang sumpa.

Imbis na makisakay sa biro ng mga netizens ay hindi natuwa si Jessy sa mga ginagawang meme sa kanila.

“Never wish ill on others. ❤️ masyado nang madaming negativity sa mundo. ☺️ wag pagtawanan ang heartbreak ng ibang tao, mabilis ang karma,” ani Jessy.

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong reaction sa social media ang komento ni Jessy.

Nag comment ang aktres sa isang post kung saan makikita ang ilang celebrities na umiyak din sa kasal kasama na dito sina Jon Rodriguez, Aljur Abrenica, Tom Rodriguez at Jayson na pare-parehong hiwalay sa kanilang mga asawa.

Sa huling larawan ay nakalagay si Lucky na may kasamang caption na “wag naman sana…”.

Wala pang pahayag ang television host tungkol sa pagiging meme niya muli sa social media.

 

Facebook Comments