HomePoliticsGen. Vicente Danao, naiyak habang nagpapasalamat kay Pangulong Duterte: "Maraming salamat sa...

Gen. Vicente Danao, naiyak habang nagpapasalamat kay Pangulong Duterte: “Maraming salamat sa paggabay”

Hindi napigilan ni PNP officer-in-charge PLTGen. Vicente Danao na maiyak habang sinusubukan nitong ibahagi ang mensahe ng pasasalamat niya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam sa kanya ng SMNI, makikita si Danao na hindi mapigilan ang pag-iyak matapos itong tanungin kung ano nga ba ang masasabi niya sa pangulo ngayong pababa na ito sa pwesto.

“Unang-una po para sa aking pinaka-tatay…. Maraming maraming salamat po ‘Tay,” naiiyak na sabi ni Danao.

“Maraming maraming salamat sa lahat ng paggabay at hindi niyo po kami pinabayaan lalo na po sa akin so lahat po ng kabutihan niyo will never be forgotten,” dagdag niya pa.

“Asahan niyo po na ang inyong kapulisan ay mananatiling naririto upang magbigay po ng serbisyong tama para sa ating mga kababayan,” 

“On behalf of the 225,000 men and officers would like to render our snappiest salute to the commander-in-chief. Maraming salamat ‘Tay.”

Kilalang astigin si Danao na naging hepe narin ng Davao City PNP kaya naman ikinagulat ng mga netizens nag pag-iyak nito.

Isa rin ang heneral sa mga kilalang pinakamalapit kay Pangulong Duterte.

Hindi napigilan ng mga netizens na maging emosyonal din sa mensahe ni Danao.

“PRRD is the president that made us feel his authentic care and love for our nation! The genuine emotional appreciation of Gen. Danao says it all!” ani Ludwig Gomez.

“Di ko kinaya ito! pagpupugay po! matutulog na ako’y napaiyak pa, pero pag-iyak ng taos na pasasalamat at pagmamahal sa taong nagmalasakit talaga sa kanila, at sa kanila na nagmalasakit naman sa atin” wika ni Genaro Cruz.

“Kapag tunay na lalaki ang umiyak, surely it comes from the heart, walang halong drama. Snappy salute Sir PRRD,” komento naman ni Alejandro Bayer.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular