HomeCelebritiesErwin Tulfo, gustong gawing 'isang bagsakan' ang pamimigay ng 4Ps imbis na...

Erwin Tulfo, gustong gawing ‘isang bagsakan’ ang pamimigay ng 4Ps imbis na buwanan

Ibinahagi ng mamamahayag at incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo ang kanyang balak kung sakali na maupo na siya sa pwesto.

Ilan sa mga mungkahi niya ay imbis na buwanan ay ibigay na ng isang biglaan ang natatanggap na pera ng mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program’s (4Ps’).

Ibig sabihin nito na gusto ng mamamahayag na ibigay na ang isang taon na katumbas ng benepisyo na natatanggap ng mga beneficiaries.

Naniniwala si Tulfo na mas mainam ito dahil sa maaring magamit ng mga 4Ps beneficiary ang mas malaking pera para sa negosyo.

“Ang plano natin… kung pwede i-lump sum na lang sa isang tao, isang pamilya yung kaniyang 4Ps. Kasi ngayon po tumatanggap ata ng P1200 or P1400 per month. Bakit hindi na lang i-lump sum na for one year? Ito yung P12,000 to P14,000 i-negosyo mo,” ani Tulfo.

“Why not give it as a lump sum para magamit pang kabuhayan o dagdagan pa natin ng livelihood para mas malaki-laki. From P14,000 magiging P19,000 to P20,000 na po yan. Kaya matitigil na ang monthly at makatayo na sila sa sarili nilang mga paa,” dagdag niya pa.

Ngunit bago ito mapatupad ay dadaan muna ito sa pagsusuri ng mga kilalang eksperto at social workers.

Bago ito ipatupad sa buong bansa ay gagawin muna ito sa ilang barangay.

Maliban sa isang bagsakan na cash aid ay gusto rin ni Tulfo na maging ‘digitalize’ na ang pamimigay ng cash aid upang hindi na kailanganin pang pumunta ng mga nahingi ng tulong sa mga opisina ng DSWD.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang 4Ps dahil ang ilang beneficiary nito ay ginagamit ang perang nakukuha nila sa maling paraan.

Ang ilan ay ginagamit sa sugal ang kanilang natatanggap habang ang ilan ay ipinagmbibili ito ng ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular