Home Celebrities THROWBACK: Jason Hernandez itinanggi ang breakup nila ni Moira dela Torre: “We both support Ms. Leni!”

THROWBACK: Jason Hernandez itinanggi ang breakup nila ni Moira dela Torre: “We both support Ms. Leni!”

0

Usap-usapan ngayon sa social media ang hiwalayan ng singer na si Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez.

Dahil dito ay nakumpirma na tama ang ilang netizens sa kanilang hinala na mayroon ng problema sa relasyon ang dalawang celebrity na una ng itinanggi ni Jason noong Abril.

Sa kanyang tweet noong Abril 16 ay pilit itinanggi ni Jason na mayroon silang problema ni Moira.

Nagpakita rin sila ng suporta kay Vice President Leni Robredo na tumatakbo noon sa pagkapangulo.

“1. WE’RE STILL MARRIED
2. HINDI NANGALIWA SI MOIRA
3. WE BOTH SUPPORT MS. LENI 💕
4. WALANG NAG NAKAWAN NG PERA
5. GOD IS GOOD,” 

Ngunit nitong Mayo 31 ay inamin ni Jason na wala na sila ni Moira tatlong taon matapos silang ikasal.

“This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.” ani Jayson sa kanyang Facebook post.

“3 years ago, I married my best friend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.” dagdag niya pa.

Inulan naman ng batikos sa social media si Jason.

“Genuine daw pero nagcheat, jusko mga lalaki talaga lason!” ani @jiszuia.

“Sana tinago mo nalang at nagbago ka kung mahal mo sya. You could have repented while in the marriage. Pero mas pinili mo yung ISA kaya lakas ng loob mong sabihin na ayaw mo na.” wika ni @bert_control.

“Bakit kailangang hiwalay agad? Pwede namang pag-usapan, pwedeng ayusin… praying for the two of you.” komento naman ni @jesspenamante.

Facebook Comments