Home Celebrities PCCI president George Barcelon, sinagot si Karen Davila: “We are not bankrupt”

PCCI president George Barcelon, sinagot si Karen Davila: “We are not bankrupt”

0

Mariing itinanggi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) president George Barcelon ang mga balita na wala ng perang maiiwan ang administrasyong Duterte.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang tanong ng mamamahayag na si Karen Davila kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor at incoming Finance Sec. Benjamin Diokno dahil sa tila sinabi nito na bankarote na ang gobyerno.

“I will make it simple. Walang pera ang gobyerno! So you will be facing a lot of challenges as the new Finance Secretary of the incoming Marcos administration. So what is the plan?” tanong ni Davila kay Diokno.

READ MORE: Karen Davila, pinangaralan ni BSP Gov. Benjamin Diokno matapos nitong sabihin na “wala ng pera ang gobyerno”

Agad namang itinanggi ni Diokno na may katotohanan ang sinasabi ni Davila.

Ito rin ang sinabi ni Barcelon kung saan ay tinawag niya  “presumptuous” ang pahayag ni Davila.

“Yung comment, yung may nagtanong sa kanya and then made a presumptuous statement na bankrupt ang gobyerno natin, it is not true, we are not bankrupt.” sabi ng presidente ng PCCI.

“As of present, we have close to $110 billion reserves that would be used for our requirements, both for the importation of goods and also for servicing our debt. So, that does not show, in a way, give a hint we are short of funds.” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Davila sa pambabatikos na natanggap niya dahil sa tanong niya kay Diokno.

Facebook Comments