Home Sports Coach Yong Garcia, humingi ng paumanhin sa pandudura kay Lord Casajeros

Coach Yong Garcia, humingi ng paumanhin sa pandudura kay Lord Casajeros

0

Humingi ng paumanhin ang assistant coach ng San Juan Knights na si Yong Garcia sa buong Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) dahil sa ginawa nitong pandudura sa manlalaro ng kalaban nilang team.

Nag-viral sa social media nitong Mayo 30 si Garcia dahil huling huli sa camera ang ginawa nitong pandudura kay Valenzuela City MJAS Zenith player na si Lordy Casajeros.

Humingi naman ng paumanhin si Garcia sa kanyang nagawa.

“As a father and a coach, I love my players dearly and would defend them to the best that I can. Last night’s incident was triggered by multiple uncalled for events amongst players,” ani Garcia.

“I was merely asking for a player to stop hurting one of our players but was met by multiple foul languages. The protective coach in me felt the need to find a way to make this player stop what he was doing. But ultimately, the end does not justify the means.” dagdag niya pa.

Matatandaan na nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng player ng San Juan Knights na si Judel Fuentes at Casajeros.

Dahil sa uminit ang sitwasyon ay hindi naiwasan ni Garcia na duraan sa balikat si Casajeros.

Hindi naman makapaniwala si Casajeros sa ginawa ng assistant coach.

“Ito ‘yung pinaka-worst na nangyari sa basketball career ko. ‘Yung pangbababoy.. Okay lang na murahin mo ‘ko, okay lang sabihan mo ako ng kung ano-ano. Pero ‘yung duraan sa mukha? Sobrang unprofessional na ‘yun… Below the belt na ‘yun. Hindi na kasama sa basketball ‘yun,” sabi ni Casajeros.

Sa ngayon ay hinimok ni Casajeros ang Games and Amusements Board na tignan ang ginawa ni Garcia.

Facebook Comments