Home Celebrities Karen Davila, pinangaralan ni BSP Gov. Benjamin Diokno matapos nitong sabihin na “wala ng pera ang gobyerno”

Karen Davila, pinangaralan ni BSP Gov. Benjamin Diokno matapos nitong sabihin na “wala ng pera ang gobyerno”

0

Sinagot ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor at incoming Finance Secretary Benjamin Diokno ang tanong ni Karen Davila tungkol sa budget ng gobyerno.

Sa panayam ni Davila kay Diokno nitong Mayo 27 ay tinanong ng mamamahayag ang ekonomista ng simpleng katanungan kung saan nabanggit niya ang diumano’y pagkawala ng pera ng gobyerno.

Matatandaan na umabot na sa 12-T pesos ang utang ng Pilipinas kaya naman maraming netizens ang nag-aalala kung makakaapekto ba ito sa bansa.

“I will make it simple. Walang pera ang gobyerno! So you will be facing a lot of challenges as the new Finance Secretary of the incoming Marcos administration. So what is the plan?” tanong ni Davila.

Nilinaw naman agad ni Diokno na nasa magandang katayuan ngayon ang gobyerno kung pagbabasehan ang kanyang 30 taon na panunungkulan sa gobyerno.

Ayon sa kanya ay mas maraming foreign reserves ngayon ang Pilipinas kumpara sa mga nakaraang administrasyon.

Wala rin daw silang nakikitang problema para hindi makapagbayad ng utang ang gobyerno dahil sa mag-iiwan ng magandang tax structure ang Duterte administration.

“I had the benefit of having served the government for more than 30 years, and I have seen all kinds of crisis. I’ve seen the worst of our economy, but we are in a better position now. Prior to the Duterte administration, we were heavily indebted and had a hard time arguing with the IMF. Before, our foreign reserves will last for only 2-months at least. But with the Duterte admin, we have at least 9-months worth of import reserves,” sabi ni Diokno.

“Currently, we do not have a problem with paying our debts which are mostly domestic than foreign, and we are a net contributor to the IMF.” dagdag niya pa.

Ipinagmalaki din nito ang Build, Build, Build program na maaring makatulong lalo upang lumago ang ekonomiya ng bansa.

Samu’t sari naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa nasabing panayam.

Sa ngayon ay may daan daang libong views na sa internet ang interview.

Facebook Comments