HomeCelebritiesJay Sonza sa panayam ni Karen Davila kay Benjamin Diokno: "Manaliksik munang...

Jay Sonza sa panayam ni Karen Davila kay Benjamin Diokno: “Manaliksik munang mabuti bago magbukas ng bunganga”

Hindi napigilan ng dating ABS-CBN reporter na si Jay Sonza na batikusin ang mamamahayag na si Karen Davila matapos niyang mapanood ang panayam nito kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.

“Dito mo makikita kung gaano kat*nga ang isang announcer o program presenter sa telebisyon. Hindi lang boba, kundi nagpapanggap na may alam, samantalang, wala namang alam.” ani Sonza.

“Moral of the story: Mag-aral, manaliksik munang mabuti bago magbukas ng bunganga o bibig. Otherwise, the whole world will find out that you are as st*pid as hell.” dagdag niya pa.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang panayam dahil sa malinaw na paliwanag ni Diokno tungkol sa kung mayroon nga bang pera ang gobyerno o wala katulad ng sinasabi ni Davila.

 “I will make it simple, “Walang pera ang gobyerno! So you will be facing a lot of challenges as the new Finance Secretary of the incoming Marcos administration. So what is the plan?” tanong ni Davila sa beteranong ekonomista na tatlong dekadang nagsilbi sa gobyerno.

“I had the benefit of having served the government for more than 30 years, and I have seen all kinds of crisis. I’ve seen worst of our economy, but we are in a better position now.” sagot naman ni Diokno.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang komento sa nasabing panayam.

“Super agree po! Karen Davila should stop pretending she knows when she really doesnt.. Madaldal lang sya pero walang alam. Nakakahiya!” sabi ni Michelle de Guzman.

“Perhaps it’s time for this broadcaster to take a long leave and get some good healthy break,” payo ni Jim Nograles.

“Sasabihing walang pera ang gobyerno eh ito palang gobyernong Duterte magiiwan ng napakalaking pondo at napakagandang record sa pinansiyal sa susunod na administrasyon! Walang research-research basta buka lang ang bunganga, ayan tamem!” komento naman ni Roger Arconeda.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular