Home Celebrities Erwin Tulfo, nagpasalamat sa pagpili sa kanya bilang susunod na DSWD secretary

Erwin Tulfo, nagpasalamat sa pagpili sa kanya bilang susunod na DSWD secretary

0

Todo ang pasasalamat ng mamamahayag na is Erwin Tulfo sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos siyang mapili bilang susunod na secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kanyang pahayag, nagpasalamat sa Diyos si Tulfo at nangako na pagbubutihan niya ang pagsisilbi sa bayan.

“Una sa lahat, salamat sa Diyos. Maraming salamat kay president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tiwala.” wika ng mamamahayag.

“Alam ko na maraming trabaho ang naghihintay sa DSWD. Ang taning maipapangako ko lamang ay sisikapin ko na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang mahihirap at nangangailangan,” dagdag niya pa.

Kinumpirma ni incoming PCOO Sec. Trixie Cruz-Angeles ang nominasyon kay Tulfo.

Maliban kay Tulfo ay inanunsyo din ang pagkakatalaga kay Ma. Christina Frasco sa Department of Tourism (DOT), Amenah Pangadaman para sa Department of Budget and Management (DBM), Ivan John Uy para sa Department of Information and Communications at Naida Angpin bilang susunod na presidential management staff.

Binati naman ng mga netizens si Tulfo dahil sa pagkakatalaga sa kanya sa gabinete ni Marcos.

“Congrats sir! Kayo ang kailangan ni PBBM. Ung matagal na sa serbisyo at alaam ang kalakaran ng mga nangangailangan lalo na ung maralita. At higit sa lahat ay mapagkakatiwalaan ni PBBM mula umpisa hanggang matapos ang termino nya. Salute!” sabi ni JM Tuano.

“Congratulations po sir Erwin Tulfo sana nga po mabilis na action Ang ibgay sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong…thank u po and God bless!” wika ni Nemia Clemente.

Facebook Comments